Loyalty check sa AFP ‘di na kailangan – DND exec

Loyalty check sa AFP ‘di na kailangan – DND exec

January 11, 2023 @ 5:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nananatiling mataas ang morale ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaya’t hindi na kailangan ang loyalty check sa kanila.

Ito ay sa kabila ng di-umano ay internal issues dulot ng biglaang pagpapalit ng liderato.

“Let me give my assessment based on the turnout in this morning’s traditional joint DND New Years’ call. All the key commanders were there including the key staff officers of the Armed Forces of the Philippines and the DND civilian bureaus.”

“So I think there is no issue on the morale. The morale remains high. We are focused on our mandate,” tugon ni DND Undersecretary Angelito De Leon nang matanong ng kanyang assessment sa morale ng mga tauhan ng DND at AFP, sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, Enero 11.

Nitong Lunes, Enero 9 ay pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si
Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. bilang Kalihim ng DND nang magbitiw naman sa pwesto ang officer-in-charge nito na si Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.

Noong nakaraang linggo naman ay itinalaga ni Marcos si General Andres Centino bilang AFP chief.

Kasundo nito ay inanunsyo ni DND spokesperson Arsenio Andolong na mayroong limang undersecretaries at apat na assistant secretaries ang naghain ng kanilang courtesy resignations.

Kagyat naman sinabi ng ahensya na walang kakaiba sa mga resignations na ito at bahagi lamang ng customary process sa ahensya.

“It is incumbent upon the newly designated head of agency to either accept or reject. In the case of Secretary Galvez, while we are ready with our courtesy resignation in accordance with customs, there is nothing extraordinary about it. He immediately gave the order, everybody stays put and hence nobody would resign or get out of DND,” sinabi ni De Leon.

Dagdag pa, pumayag ang lahat ng mga senior leaders kabilang ang mga undersecretaries at assistant secretaries na manatili sa kabila ng biglaang pagpapalit sa pamumuno sa DND.

Kaugnay nito, natanong naman kung dapat bang magsagawa ng loyalty check sa mga tauhan ng DND at AFP, tugon ni De Leon:

“Hindi na po. Wala pong kailangang loyalty check [there is no need for a loyalty check]. The AFP remains steadfast and loyal to the constitution, the flag, and the duly constituted authorities.” RNT/JGC