Manila, Philippines – Nagpahayag na ng kahandaan si Marikina Rep. Miro Quimbo na maging Minority Leader matapos sumuporta kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang minorya.
Sa isang press conference, sinabi ni Quimbo na hindi maaaring manatiling Minority Leader si Quezon Rep. Danilo Suarez dahil siya nga ang kauna-unahang lumagda sa manifesto na nagluluklok kay CGMA bilang speaker.
Si Quimbo na miyembro ng Liberal Party ay kabilang din sa itinalagang 5-man Transition Committee na nilikha ng bagong liderato ng Kamara upang makipag-usap sa kampo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez para sa smooth transition.
Kasama ni Quimbo ang apat pang LP na kongresista na nag-abstain noong botohan ng speakership noong Lunes at nakiisa na rin sa kanila ang Magnificent 7 na pinangungunahan ni Albay Rep. Edcel Lagman.
Nag-abstain noong Lunes ang mga miyembro ng LP na sina Quimbo, Cebu Rep. Raul del Mar, Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla, Zamboanga Rep. Isagani Amatong at Bohol Rep. Rene Relampagos. (Meliza Maluntag)