LP hinihikayat sina Lacson, Joel Villanueva, Nancy Binay, Isko Moreno sa 2022 elections

LP hinihikayat sina Lacson, Joel Villanueva, Nancy Binay, Isko Moreno sa 2022 elections

June 22, 2021 @ 2:03 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Liberal Party president at Senator Francis Pangilinan na nakikipag-uganayan ang partido kina Senators Panfilo Lacson, Nancy Binay, Joel Villanueva at Manila Mayor Isko Moreno para sa susunod na eleksyon.

“Nandiyan si Senator Lacson, nandiyan si Senator Villanueva, nandiyan si Senator Binay ‘di ba? Nandiyan si Isko Moreno, nandiyan, of course, si Vice president Leni [Robredo],” ani Pangilinan sa isang virtual interview.

Ayon sa LP president na layon nitong magkaisa upang malabanan ang administrasyon.

“Can you imagine kung lahat ‘yon ay magkaisa para sabihin na gusto natin ng mas magandang direksyon sa ating bansa?” giit ni Pangilinan.

Aniya hindi pa opisyal ang mga pakikipag-ugnayan sa mga nabanggit ng senador ukol sa plano para sa 2022 elections.

Saad pa ng senador na bukas ang Liberal Party sa pagbuo ng alyansa at koalisyon.

“Again, balikan natin ang leksyon sa EDSA 1 at EDSA 2 na hanggat maaari, nasa usapan naman ‘yan basta magkaroon ng maliwanag na pagkakaisa, bukas ang LP sa ganoong pinakamalawak na pagkakaisa,” ani Pangilinan.

Dagdag pa ng senador na handang suportahan ng partido ang sinumang kandidato sa labas nito sakaling hindi tumakbo bilang presidente si Robredo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •