LPA binabantayan ng PAGASA; Dante nasa WPS na

LPA binabantayan ng PAGASA; Dante nasa WPS na

June 3, 2021 @ 3:13 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Isa pang low pressure area (LPA) ang pumasok sa Philippine area of responsibility habang papalayo sa bansa si bagyong Dante ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang LPA sa 850 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

“Wala pa itong gaanong epekto o direktang epekto sa ano mang bahagi ng ating bansa (It has no effect yet or direct impact on any part of the country,” saad ni Chris Perez, senior weather specialist ng PAGASA.

Pumasok ito sa bansa bandang alas-2 ng umaga.

“Based on PAGASA’s assessment, the chances of it becoming a tropical cyclone remain low as it crosses the west northwest direction of the Philippine Sea,” ayon naman kay weather specialist Benison Estareja.

Patuloy namang lumalayo sa kalupaan ng bansa si Dante habang tinatahak ang pa-hilagang-kanluran ng West Philippine Sea.

Magdudulot pa rin ng mga pag-ulan si Dante sa Northern at Central Luzon. RNT/ELM