Kamara balik-sesyon na!

MANILA, Philippines – Nagbalik-sesyon na rin ang Kamara matapos ang pagdaraos ng national at local elections.
Alas-2:00 kaninang hapon nang magbalik ang plenary session na pinangunahan ni Deputy Speaker at Sorsogon 1st District Representative Evelina Escudero.
Kaninang umaga, nauna nang nagbalik sesyon ang Senado na tatagal hanggang sa Hunyo 3.
Samantala, tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na handang-handa ito sa canvassing ng mga boto para sa mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente nitong May 9 elections.
Bawat kapulungan ay inaasahang pormal na bubuo ng contingent para sa Joint Committee na magsasagawa ng aktwal na pagbibilang ng mga boto na sisimulan bukas, Mayo 24. RNT/ JCM
Huling kuwentuhan sa inang si Susan Roces, ibinahagi ni Poe

MANILA, Philippines – Sinariwa ni Senador Grace Poe ang kanyang huling kuwentuhan sa inang si Ms. Susan Roces bago ito pumanaw nitong Sabado sanhi ng cardiopulmonary attack o atake sa puso na kasalukuyang nakaburol sa Heritage Park sa Taguig City.
Sa panayam, sinabi ni Poe na kanyang naalala ang sinabi ng kanyang ina noong tumakbo itong Pangulo na pinutakte siya ng batikos hinggil sa pagkuwestiyon sa kanyang pagkatao at pagsilang.
Aniya, lubhang nasaktan ang kanyang ina nang sabihin na hindi ito puwedeng tumakbong Pangulo dahil isa siyang dampot.
“Kaya nga nu’ng sinasabing, ‘Hindi ka pwedeng tumakbo dahil ikaw ay hindi natural born citizen kasi dampot ka lang.’ Nagalit siya, nasaktan, siyempre ‘di ba?” ayon kay Poe.
Kaya nang malagdaan ang Foundling Law, lubhang ikinatuwa ng kanyang Ina ang naturang balita.
“Sabi ko, ‘Mom, I have good news.’ Naisa-batas na ‘yung batas para ipakilala or to recognize ‘yung mga batang na-abandona,” ayon kay Poe.
“Sabi ko, ‘No, mom. Congratulations to you! Because of our case and because of your diligence,’ ‘yung pagiging maayos niya na siguradong dapat ‘yan nasa ayos ang mga papeles niya, nagkaroon ng basehan ang mga lehislaturang ganitong klase,” ani pa ni Poe.
Ayon kay Poe, bago dalhin sa ospital ang kanyang ina, nag-usap sila ng kanyang kaibigan kaya noong bandang tanghalin, nabalitaan niyaa ng pagsasabatas ng Foundling Law.
“Mga bandang tanghali, nabalitaan namin ‘yung batas ukol sa pagkilala sa mga nadampot na bata o foundlings ay naisabatas na, napirmahan na. So excited ako nu’n, tinawagan ko siya, tapos sabi pa niya sa akin, ‘Congratulations,’ kasi imagine, ipinaglaban niya ‘yan para sa akin matagal na, na magkaroon ng patas na karapatan ang mga batang naabandona,” ayon kay Poe.
“Tapos sabi ko, ‘Ma, not congratulations to me alone, congratulations to you because if not for you and for this advocacy that you fought for, hindi ito magiging ganito. Hindi ako magiging nasa ganitong pagkakataon sa buhay,” dagdag ng senadora.
Kaya dahil dito, sinabi ni Poe na masayang namayapa ang kanyang ina.
“So masaya siya, tapos alam mo, pagkatapos nu’n, parang naiba na. ‘Yun na ang huling pag-uusap namin kaya napakasymbolic nga, parang inintay nya, pero pagkatapos nu’n, nu’ng dinala na namin siya sa ospital, parang wala sa sarili, tapos nagko-complain siya na may pain siya. So nu’ng dinala namin sa ospital, ang pinagbibilin niya palagi ‘yung mga apo niya na kailangan daw dalhin namin sa Baguio ‘yung mga bata, tapos ang bahay daw ng Papa ko doon, ayusin ko daw para ‘yung mga bata pwede daw magbakasyon doon. ‘Yun ang mga naiisip niya,” patapos ng mambabatas. Ernie Reyes
3 dibisyon ng SC binalasa

MANILA, Philippines- Nagpatupad muli ng balasahan ang Supreme Court sa tatlo nitong division.
Batay sa Special Order No. 2901 ni acting Chief Justice Marvic Leonen, ang First Division ay pamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo kasama sina Associate Justices Ramon Paul Hernando, Rodil Zalameda, Ricardo Rosario at Jose Midas Marquez bilang mga miyembro.
Ang Second Division ay pamunuan ni Leonen at miyembro nito sina Associate Justices Amy Lazaro-Javier, Mario Lopez, Jhosep Lopez at Antonio Kho Jr.
Samantala, si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang magiging chairman ng Third Division at sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting, Samuel Gaerlan, Japan Dimaampao at Maria Filomena Singh ang magsisilbing mga miyembro.
Si Singh ang pinakahuling appointee ni Pangulong Duterte.
Si Leonen ang pansamantalang namumuno sa Supreme Court habang naka leave si Gesmundo. Teresa Tavares
Mismatch sa ERs ipinaliwanag ni Garcia

MANILA, Philippines- Sinabi ni poll body Commissioner George Garcia nitong Lunes na ang mismatch sa election returns ay dahil sa “double transmission” ng mga resulta ay mula sa testing ng vote counting machines (VCMs).
“Ang aming initial findings ng aming Information Technology Department ay dahil nagdoble yung pagpapadala ng mismong electoral board,” aniya.
Ayon sa kanya, nagpasa ang election board members ng inisyal na resulta subalit ito ay “not successful,” na dahila upang muli nilang ipadala ang resulta. Pareho naman umanong binilang ang transmissions.
Bukod dito, ang mismatch ay dulot fin ng transmission ng mga resulta mula sa final testing at sealing ng VCMs na isinagawa bago ang araw ng eleksyon, base kay Garcia.
“Yung unang pinadala yun po yung final testing and sealing na pagpapadala. Yun po ang result kaya po ang nakita 10 lang ang boto dahil 10 balota po nag involved nung nagte-test tayo ng makina,” pahayag niya.
Nauna nang sinabi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nakapagtala ito ng 1.61 porsyentong mismatch sa 240 election returns at ransparency media server para sa Halalan 2022. RNT/SA
Kang Daniel may pasundot sa MV teaser!

SEOUL, South Korea – Nagpasundot sa pamamagitan ng paglalabas ng ikalawang teaser sa nalalapit na full-length album si Kang Daniel!
Ngayong araw, Mayo 23 ay inilabas ng Korean singer-songwriter ang ikalawang music video teaser para sa kanyang title track na ‘Upside Down’.
Ito ay bahagi ng kaniyang kauna-unahang full-length album na ‘The Story’.
Inaasahan na sa Mayo 24 ay ilalabas ang naturang album taglay ang 10 poetic at emotional songs tulad ng ‘The Story’, ‘Upside Down’, ‘Loser’, ‘Don’t Tell’, ‘Ride 4 U’, ‘Parade’ at ‘How We Live’. RNT/JGC