LPA, easterlies magpapaulan sa VisMin

LPA, easterlies magpapaulan sa VisMin

March 31, 2021 @ 6:33 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang low pressure area (LPA) at easterlies sa iba’t ibang parte ng bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang LPA sa tinatayang 180 kilometro timog-kanluran ng General Santos City.

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA at easterlies sa Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, at Negros Occidental.

Habang ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms bunsod ng easterlies.

May posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Samantala, magiging mahina hanggang sa katamtaman ang hangin sa Mindanao na iihip sa hilagang-silangan patungong hilagang direksyon habang mahina hanggang sa bahagya ang mga alon sa mga baybayin.

Ang Northern Luzon naman ay magiging mahina hanggang sa bahagya ang hangin sa direksyon ng timong-silangan patungong hilagang-silangan habang hanggang sa katamtaman ang mga alon.

Sa natitirang parte ng bansa ay magiging mahina hanggang sa bahagya ang hangin mula silangan patungong hilagang-silangan habang mahina hanggang sa katamtaman ang mga alon sa mga baybayin nito.

Sumikat ang araw dakong 5:53 ng umaga at lulubog bandang 6:08 ng gabi. RNT/ELM


  •  
  •  
  •