LPA, habagat magpapaulan sa Bicol region, 4 pang lugar

LPA, habagat magpapaulan sa Bicol region, 4 pang lugar

July 28, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kaninang alas-3 ng madaling araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang nasa 975 kilometers east ng Basco, Batanes habang ang southwest monsoon o habagat ay makaaapekto sa southern Luzon at Visayas, batay sa PAGASA.

Patuloy na binabantayan ng weather bureau ang aktibong tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kaninang alas-3 ng madaling araw, namataan ang tropical depression 1,915 kilometers east ng northern Luzon na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour, gustiness hanggang 70 kph patungong west northwest direction na may bilis na 15 kph.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region, Aurora, Quezon, Bataan at Zambales na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon / Low Pressure Area (LPA).

Makararanas din sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorms dahil sa southwest Monsoon / localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa northern Luzon ay light to moderate patungong northwestward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Inaasahan naman ang light to moderate wind speed patungonga south to southwest direction habang ang coastal waters ay light to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:38 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:27 ng hapon. RNT/SA