LPA, habagat magpapaulan sa ilang lugar sa bansa ngayong Linggo

LPA, habagat magpapaulan sa ilang lugar sa bansa ngayong Linggo

July 10, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na  sa hilagang-silangan ng Surigao City.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 685 km hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o sa 690 km East ng Virac, Catanduanes alas-3 ng madaling araw noong Linggo.

Bunsod nito at ng umiiral na Southwest Monsoon (Habagat), makararanas ang iba’t ibang lugar sa bansa ng kalat-kalat na pag-ulanngayon Linggo, ayon pa sa weather bureau.

Gayunpaman, mababa ang posibilidad na maging tropical depression sa susunod na 24 oras ang LPA, dagdag pa ng PAGASA.

Pero inaasahang titindi ang LPA sa Martes o Miyerkoles.

Ang Eastern Visayas, Caraga, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA. Ang mga flash flood o landslide ay maaaring magresulta sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, ang Mimaropa, Kanlurang Visayas, Zamboanga Peninsula, at BARMM ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa tag-ulan. Sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa sa kabilang banda ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa monsoon. Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magkaroon ng flash flood o landslide.

Sumikat ang araw bandang alas-5:33 ng umaga habang at lulubog mamayang alas-6:30 ng gabi. RNT