LPA, Habagat magpapaulan sa Metro Manila, Visayas, 8 pang lugar

LPA, Habagat magpapaulan sa Metro Manila, Visayas, 8 pang lugar

August 6, 2022 @ 8:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila, Visayas, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Pangasinan, Nueva Vizcaya, at Quirino na sasabayan ng kalat na pag-ulan ngayong Sabado dahil sa Low Pressure Area (LPA) at sa Southwest Monsoon (Habagat), base sa PAGASA.

Kaninang alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay tinatayang nasa 140 kilometro north northwest ng Dagupan City, Pangasinan habang nakaaapekto ang Habagat sa Southern Luzon at Visayas, ayon sa PAGASA.

Inaasahan naman ang flash flood o landslide dahil sa “moderate to at times heavy rains” sa Metro Manila, Visayas, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Pangasinan, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms due to the monsoon and localized thunderstorms with possible flash floods or landslides during severe thunderstorms.”

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungong southwest to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Makararanas naman ang Mindanao ng light to moderate wind speed patungong southward habang ang coastal waters ay light to moderate.

Sumilat ang araw kaninang alas-5:41 ng madaling araw at lulubog mamayang alas-6:24 ng hapon. RNT/SA