LPA, isa nang ganap na bagyo

LPA, isa nang ganap na bagyo

July 21, 2018 @ 12:11 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Isa nang Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area at tinawag nang Bagyong ‘Josie’.

Sa huling pagtala ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 195 kilometro ng Kanluran Hilagang-Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at taglay ang hanging may lakas na 45 kilometers per hour (kph) at may pagbugso na aabot sa 60 kph.

Mabagal ang pagtakbo nito patungong Hilagang Silangan at itinaas na ang Tropical Cyclone warning signal number 1 sa Batanes, Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Apayao at hilagang bahagi ng Abra. (Remate News Team)