LPA, ITCZ magpapaulan sa Pinas

LPA, ITCZ magpapaulan sa Pinas

August 27, 2022 @ 8:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binabantayan ng weather bureau ang namumuong bagyo na huling namataan sa ibabaw ng baybayin ng Polillo, Quezon habang makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Mindanao, iniulat ng PAGASA ngayong Sabado.

Ang CALABARZON, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, at Camarines Sur ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ ​​at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:44 a.m., habang lulubog ito 6:12 p.m. RNT