LPA, localized thunderstorm iiral sa Pinas

LPA, localized thunderstorm iiral sa Pinas

July 29, 2020 @ 7:33 AM 6 days ago

Share

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 115 kilometrong silangan ng Daet, Camarines Norte, batay sa PAGASA.

Makararanas ng mga pag-ulan at maulap na kaulapan ang Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Aurora at Quezon dulot ng LPA.

Gayundin sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas na makararanas ng pag-ulan at maulap na himpapawid dala ng pinagsamang LPA at localized thunderstorms.

Habang localized thunderstorms din ang iiral sa Mindanao ngayong Miyerkoles.

Samantala, nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...