LPA magdadala ng ulan, kidlat sa ilang lugar sa bansa

LPA magdadala ng ulan, kidlat sa ilang lugar sa bansa

July 15, 2020 @ 5:38 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang isang low pressure area sa Eastern at Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region, ayon sa PAGASA nitong Miyerkoles.

Hanggang alas-3 ng hapon, tinatayang nasa 110 kilometro timog-silangan ng Davao City, Davao del Sur.

Sa 24-hour forecast nito, nagbabala ang weather agency sa posibleng pagbaha o landslide habang may severe thunderstorms.

Samantala, magdadala naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rainshower sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...