LPA magpapa-ulan sa MM, kalapit-probinsya

LPA magpapa-ulan sa MM, kalapit-probinsya

August 6, 2020 @ 5:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang trough ng Low Pessure Aea (LPA) sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Central at Eastern Visayas, Mindanao, at ang probinsya ng Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan, ayon sa PAGASA.

Sa kanilang weather bulletin nitong alas-3:00 ng hapon ngayong araw, huling namataan ang nasabing LPA sa layong 530 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Habang ang southwest monsoon o Habagat naman ang magdadala rin ng mga pag-ulan sa MIMAROPA at Western Visayas.

Bunsod nito, pinag-iingat ang mga residente sa mga bulubundukin at mababang lugar sa posibleng flash floods at landslides.

Localized thunderstorms naman ang magpapaulan sa nalalabing bahagi ngv Luzon.

Samantala, nakapagtala naman ang PAGASA synoptic station sa  Science Garden, Quezon City ng agwat ng temperatura mula  26 hanggang 29.5 degrees celcius kaninang 1:30 ng hapon. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...