LPA magpapaulan sa bahagi ng bansa

LPA magpapaulan sa bahagi ng bansa

December 10, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines-Magpapaulan ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Sorsogon gayundin ang shear line na nakaaapekto sa Northern Luzon sa bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Kaninang alas-3 ng umaga, ang LPA ay tinatayang 215 kilometers east ng Juban, Sorsogon.

Magiging maulap ang kalangitan sa National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Visayas na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa LPA “with possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains.”

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line “with possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains.”

Makararanas naman sa ntitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap na kalangitan dahil sa shear line at localized thunderstorms.

Ang wind speed sa Luzon ay magiging moderate to strong patungong north to northwest direction, at ang coastal waters ay magiging rough.

Makararanas sa Visayas ng light to moderate wind speed patungong northwest to west direction habang ang coastal ay magiging slight to moderate.

Sa Mindanao, ang wind speed ay magiging light to moderate patungong west to southwest direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:10 ng umaga, at lulubog mamayang alas-5:27 ng hapon. RNT/SA