LPA magpapaulan sa Bicol, Vis-Min

LPA magpapaulan sa Bicol, Vis-Min

March 15, 2023 @ 6:36 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Patuloy na maaapektuhan ng Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon habang ang Low Pressure Area (LPA) na nasa layong 265 kilometro silangan hilagang-silangan ng Davao City ay magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol, Visayas, at Mindanao ngayong Miyerkoles, iniulat ng PAGASA.

Ang Mindanao at Silangang Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Lambak ng Cagayan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Rehiyon ng Bicol at ang natitirang bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA at mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Sumikat ang araw bandang alas-6:04 ng umaga, habang inaasahang lulubog ito mamayang alas-6:06 ng gabi. RNT