LPA magpapaulan sa Caraga, Davao

LPA magpapaulan sa Caraga, Davao

November 4, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan sa mga rehiyon ng Caraga at Davao ang Low Pressure Area (LPA) na namataan 140 kilometro timog-silangan ng Davao City.

Ayon sa PAGASA, ito ang dating Tropical Depression Queenie na kalaunan ay nalusaw.

Nagbabala ang ahensya na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dulot ng LPA.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.

Sa ngayon ay wala pang ibang banta ng bagyo ang nakikita ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility. RNT/JGC