LPA magpapaulan sa VisMin; Amihan makaaapekto sa Luzon

LPA magpapaulan sa VisMin; Amihan makaaapekto sa Luzon

March 16, 2023 @ 6:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ang Low Pressure Area (LPA) ng maulap na kalangitan, isolated rain sa Visayas, Mindanao habang makaaapekto naman ang northeast monsoon o amihan sa Luzon ngayong Huwebes, base sa ulat ng PAGASA.

Kaning alas-3 ng madaling araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang 390 kilometro hilaga ng Hinatuan, Surigao del Sur o 125 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Makararanas sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, at Dinagat Islands ng “cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms” dulot ng LPA.

Inaasahan naman sa MIMAROPA at natitirang bahagi bg Visayas, Mindanao, at Bicol Region ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa LPA at localized thunderstorms.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa northeast monsoon.

Makararanas sa Luzon at silangang bahagi ng Visayas ng moderate to strong wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Sa natitirang bahagi ng bansa, magkakaroon ng light to moderate wind speed patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:04 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:06 ng hapon. RNT/SA