LPA magpapaulan sa VisMin, bahagi ng Luzon

LPA magpapaulan sa VisMin, bahagi ng Luzon

January 14, 2023 @ 8:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang nasa coastal waters ng Lanuza, Surigao del Sur ang Low Pressure Area (LPA) kaninang alas-3 ng madaling araw habang ang northeast monsoon ay patuloy na makaaapekto sa Northern at Central Luzon, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte na sasabayan ng pag-ulan at kulog dahil sa LPA na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa kapag lumakas ito.

Magiging maulap din sa CALABARZON, MIMAROPA, at natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao na sasabayan naman ng kalat na pag-ulan dahil sa LPA.

Makararanas naman sa Metro Manila, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan ng maulap na kalangitan dahil sa northeast monsoon.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa northeast monsoon.

Moderate to strong ang wind speed forecast para sa northern Luzon na may direksyong southeast to northeast habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas sa natitirang bahagi ng bansa “moderate to strong wind speed” patungong northeast to northwest direction at moderate to rough coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:45 ng hapon. RNT/SA