P1M bayad-pinsala, pinakamabisang bakuna sa COVID-19 sigaw ng healthcare workers

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga healthcare workers na maturukan sila ng libreng COVID-19 vaccine na may “highest efficacy rate” .
Sa kanilang pagtitipon ngayong tanghali sa labas ng Philippine General Hospital (PGH), sinabi ng mga healthcare worker giit nila ang pinakamahusay na bakuna kasunog ng nakatakdang pagdating ng Sinovac mula China ngayong Linggo.
Giit ng mga medical frontliners, kaligtasan nila ang nakasalalay dahil sila ang patuloy na lumalaban sa COVID-19.
Nakibahagi rito ang mga miyembro ng All UP workers Union ng UP-PGH at Bantay Bakuna-PGH.
Una na ring sinabi ng pamunuan ng PGH na inaasahan ng kanilang mga staff ay Pfizer ang kanilang matatanggap ngunit ayon sa mga health care workers, hindi naman usapin kung anong brand ang bakuna basta ligtas at mataas ang efficacy rate.
Iginiit din nil ana magkaroon ng P1 milyong indemnification sa bawat health care workers na makararanas na side effects ng bakuna.
Naging payapa naman ang pagtitipon ng mga health care workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P1M shabu nasabat sa tanod, hipag

MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng isang barangay tanod at kanyang hipag matapos masamsaman ng higit sa P1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police chief, Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Kathrice Leongson, 31, taga-Taurus St., at bayaw na si Mark John Melejor, 28, barangay tanod ng Aries St., kapwa ng Brgy. San Roque.
Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 9:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas Police deputy chief for operation P/Lt.Col. Antonio Naag ng buy-bust operation sa Taurus St., Brgy. San Roque.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 ang halaga, at buy-bust money.
Ayon kay Col. Ollaging, ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy ni Kathrice ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw. Boysan Buenaventura
Hirit ni Poe sa DA: Hog raiser ‘wag hayaang malubog sa utang

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Grace Poe sa Department of Agriculture na magbigay ng mas maraming suporta sa hog farmers na lubhang apektado ng African Swine Fever (ASF) na pumatay sa mahigit ikatlong bahagi ng industriya ng baboy sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Poe na umaabot sa 65% ng domestic poultry supply ang hog raise sa likod bahay at lubhang apektado ng ASF.
“Sa ngayon, ang panukala ng DA ay meron sila halos P30 billion na ipapautang sa ating mga hog raisers. Ang problema, walang gustong umutang kasi hindi sila sigurado baka mamaya magkasakit na naman ang mga alaga nila—may utang na sila, lugi pa,” ani Poe.
Aniya, kapag may isang baboy na nagkasakit ng ASF sa babuyan, kailangan patayin ang lahat ng baboy na alaga sa babuyan alinsunod sa itinakdang patakaran ng DA kaya lubha silang nalulunod ngayon sa utang.
“Kaya ang sabi namin dapat kung nagpapautang ang DA, kung merong bagyo o kaya merong sakit na hindi naman kontrolado ng mga hog raisers o ng mga magsasaka, dapat ay ipatawad na ang kanilang utang,” dagdag ni Poe.
Sinabi ni Poe na kayang balikatin ng pamahalaan ang halaga partikular kapag bumababa ang presyo ng karne ng baboy at tumaas ang pangangailangan.
Umabot sa mahigit P400 kada kilo ng baboy noong nakaraang taon. Sa pagpapalabas ng Executive Order No. 124, itinakda ang price ceiling sa P300 kada kilo ng liempo, P270 kada kilo ng kasim at P160 naman sa dressed chicken.
Pero, ayon kay Poe, nangangamba ang magsasaka na baka malugi sila sa mga susunod na buwan kaya maraming hog raiser ang lumahyok sa “pork holiday”bialng protesta sa price ceiling.
“Kasalanan ba nila na nagkabagyo? Kasalanan ba nila na hindi gumawa ng trabaho na tama ang mga inspectors kaya nahawa sa imported na karne? Hindi naman nila kasalanan ‘yun… dapat siguro iprayoridad nila ang mga magsasaka, ang mga nag-aalaga ng hayop sapagkat ‘yan ang pinakamaliliit ang kita,” ayon sa senador.
Naunang hinikayat ni Poe ang DA na higpitan ang border control sa pagpasok ng karne at produkto nito sa bansa at tiyakin na hindi makalulusot ang mga ismagler. Ernie Reyes
‘Best-case scenario’: Pagdating ng AstraZeneca sa Maynila sa Marso pa – Isko

MANILA, Philippines – Maaring sa huling linggo ng Marso darating sa Maynila ang bakuna ng AstraZeneca laban sa COVID-19, ito ayon kay Manila Mayor Fransico Domagoso, Biyernes, ang “best scenario” na maaring mangyari.
“In the worst-case scenario, ‘yong AstraZeneca will arrive in September, a good scenario is June, a best scenario is March,” ani Domagoso sa interbyu sa Teleradyo.
Nitong nakaraang linggo lang nang magbigay na ng 20% down payment ang lungsod ng Maynila para sa nasabing bakuna na umabot sa P38.4 million.
800,000 doses ng AstraZeneca vaccine ang inorder ng Maynila LGU para sa babakunahang 400,000 residente nito.
Siniguro naman ni Moreno na magpapabakuna siya sa harap ng publiko kahit anomang bakuna ang darating.
“Kung ano man ang bakunang dumating, as long as ito ay nagkamit ng EUA o emergency use authority ng FDA (Food and Drug Administration) ay ito’y aming gagamitin. Kung ito ay Sinovac, handa tayong magpabakuna sa mata ng publiko.” RNT
Worldwide coronavirus deaths, 2.5 million na – AFP tally
