LPA na dating ‘Auring’ malulusaw na – PAGASA

LPA na dating ‘Auring’ malulusaw na – PAGASA

February 23, 2021 @ 10:47 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malulusaw na ang low pressure na binabantayan o ang dating tropical depression Auring sa loob ng 24 oras, batay sa PAGASA.

Namataan ito sa layong 105 kilometrong silangan ng Infanta, Quezon bandang alas-3 ng umaga.

Inaasahang magpapaulan pa rin ang LPA sa Metro Manila, Cordilleras, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at Camarines Norte, base sa PAGASA.

Gayundin ay makaaapekto ang Amihan sa Ilocos region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •