LPA nalusaw, ITCZ magpapaulan pa rin sa bansa

LPA nalusaw, ITCZ magpapaulan pa rin sa bansa

November 20, 2022 @ 7:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nalusaw na ang low pressure area na namataan sa General Santos City nitong Sabado, Nobyembre 19.

Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa kanilang ulat ngayong araw, Nobyembre 20.

Sa kabila nito, makararanas pa rin ng maulang panahon ang malaking bahagi ng bansa dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Aurora, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa, buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maayos na panahon na paminsan ay may maulap na kalangitan. RNT/JGC