LPA namataan sa Eastern Samar —PAGASA



LPA namataan sa Eastern Samar —PAGASA

June 7, 2021 @ 6:24 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa Eastern Samar.

Huling namataan ang LPA sa 350 kilometro silangan ng timog-silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Makaaapekto ito sa Visayas at Mindanao kasabay ang intertropical convergence zone (ITCZ).

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas at Surigao provinces dahil sa ITCZ.

Nagbabala ang ahensya sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Makararanas din ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Palawan, at Mindoro provinces bunsod ng habagat.

Posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms.

Magiging katamtaman ang lakas ng hangin sa kanluran ng Luzon gayundin ang mga alon sa mga baybayin.

Makararanas naman ng mahina hanggang sa bahagyang lakas ng hangin at alon ang natitirang parte ng bansa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •