LPA namataan sa extreme N. Luzon

LPA namataan sa extreme N. Luzon

August 30, 2022 @ 6:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang namumuong bagyo o isang low pressure area sa  tinatayang nasa 1,210 kilometro silangan ng extreme northern Luzon habang makaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies at localized thunderstorms na may posibleng mga pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:44 a.m., at lulubog ito mamayang 6:10 p.m. RNT