LPA namataan sa Palawan; Luzon uulanin sa buntot ng Frontal System

LPA namataan sa Palawan; Luzon uulanin sa buntot ng Frontal System

March 16, 2021 @ 7:20 AM 1 year ago


MANILA, Philippines –  Namataan ang binabantayang namumuong bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa layong 120 kilometro sa kanlurang bahagi ng Coron, Palawan.

Maaapektuhan naman ng buntot ng Frontal System ang eastern sections ng Northern at Central Luzon habang ang northeasterly surface windflow ay makaapekto sa extreme northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Ang Mainland Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Nueva Eciija, Bulacan, at northern portion of Quezon ay makararanas naman ng kalat-kalat na rainshowers at thunderstorms dahil sa Tail-end ng Frontal System kung saan posible ang flash flood o landslide sa moderate at bugsong paglakas ng ulan.

Ang Batanes at Babuyan Islands naman ay makararanas ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan bunsod ng northeasterly surface windflow pero wala itong magiging epekto.

Magandag panahaon naman ang bubungad sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms kung saan posible ang flash flood o landslide sa malakas na thunderstorms. RNT