LPA namataan sa silangan ng Mindanao

LPA namataan sa silangan ng Mindanao

March 15, 2019 @ 7:19 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Makaaapekto ngayong Biyernes ang bahagi ng Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao habang ang Tail-end of a Cold Front naman ang mananaig sa hilagang Luzon, ayon sa PAGASA.

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Davao at SOCCSKSARGEN dahil sa bahagi ng LPA.

Aasahan din ang maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa northeast monsoon o amihan.

Ang Tail-End of a Cold Front naman ang maghahatid ng maulap na kalangitan na may panakanakang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, at natitira pang bahagi ng Cagayan Valley Region, at probinsiya ng Aurora.

Sa natitira pang bahagi ng Mindanao at central Luzon, aasaan din ang maulap na kalangitan maliban sa panakanakang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Panghuli, magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila at natitira pang bahagi ng bansa./Remate News Team