LPA nasa Zamboanga City na

LPA nasa Zamboanga City na

March 20, 2019 @ 6:44 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Nasa hilagang-kanluran na ng Zamboanga City ang Low Pressure Area (LPA), ang huminang bagyong Chedeng, ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Miyerkules.

Ang LPA ang maghahatid ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Palawan, Zamboanga Peninsula at ARMM. Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente ng mga nabanggit na lugar na manatiling nakahanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa kalat-kalat hanggang malakas na ulan.

Samantala, ang Bicol Region, Visayas, at natitira pang bahagi ng Mindanao ay makararanas naman ng maulap na kalangitan na may panakanakang pag-ulan o pagkulog-pagkidlat dala ng easterlies.

Gayundin, aasahan ang maulap na kalangitan sa Metro Manila ay natitira pang bahagi ng Luzon dala ng easterlies./Remate News Team