Manila, Philippines – Namataan ang isang low-pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo (July 15) habang makararanas naman ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas hatid ng southwest monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.
Namataan kaninang alas-3 ang LPA sa 1,030 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Samantala, makararanas naman ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Calabarzon Region, Marinduque, Romblon, at silangang bahagi ng Visayas dahil sa pagsasanib puwersa ng Habagat at ng LPA.
Ang ibang bahagi naman ng bansa ay asahang magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kaunting pag-ulan dahil sa bagyo.
Ang hangin naman ay moderate to strong mula timogkanluran hanggang timogsilangan sa hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon kung saan ang tubig sa baybayin ay magiging moderate to rough.
Sa iba pang bahagi ng bansa, ang hangin ay magiging light to moderate mula sa timogkanluran hanggang kanluran na mayroong kondisyong slight to moderate sa mga nakapaligid na karagatan. (Remate News Team)