LPA posibleng maging bagyo sa loob ng 36 na oras – PAGASA

LPA posibleng maging bagyo sa loob ng 36 na oras – PAGASA

December 9, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng maging isang bagyo o tropical depression ang low pressure area (LPA) na kasalukuyang nasa silangan ng Mindanao, sa loob ng 36 na oras.

Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Disyembre 9.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, ang LPA ay huling namataan 610 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigal del Sur at kumikilos patungo sa bahagi ng Eastern Visayas o Bicol region sa weekend.

Sa oras na maging bagyo ay tatawagin itong “Rosal” na ika-18 bagyong pumasok sa bansa sa 2022 at kauna-unahan sa Disyembre.

“The LPA will be closest to Northern Samar and Bicol Region tomorrow (Dec. 10). By Sunday (Dec. 11), it will be in the east of Quezon and Aurora provinces and will begin moving north. That means, by Monday it will be in the east of Cagayan Valley and there is a great uncertainty whether it will recurve or move away from our country, or continue to move east of Batanes,” ani Estareja. RNT/JGC