LPA posibleng pumasok sa PAR

LPA posibleng pumasok sa PAR

January 21, 2022 @ 10:36 AM 7 months ago


Manila, Philippines — Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang low pressure area (LPA) na posibleng makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na weekend.

Sinabing namataan ang LPA sa layong 1,855 kilometrong silangan ng southeast ng Mindanao at aasahang makapapasok ng PAR sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Maliit naman ang tsansa nito na maging ganap na bagyo at kasalukuyang walang epekto sa bansa. RNT/FGDC