LPA pumasok na sa PAR – PAGASA

LPA pumasok na sa PAR – PAGASA

February 15, 2023 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Mindanao nitong Miyerkules, Pebrero 15.

Sa huling weather advisory, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang LPA ay huling namataan 925 kilometro silangan ng southeastern Mindanao.

Ayon pa sa PAGASA, pumasok ang LPA sa PAR bandang alas-11 ng umaga.

Maliit naman ang tsansa nitong maging isang bagyo.

Sa kabila nito, inaasahan na magdadala pa rin ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Davao Region, Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, and General Santos City), Caraga Region, Eastern Visayas, at Palawan ang LPA.

“Under said conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly very highly susceptible to these hazards,” ayon sa abiso ng PAGASA. RNT/JGC