LPA sa labas ng bansa, binabantayan ng PAGASA

LPA sa labas ng bansa, binabantayan ng PAGASA

July 12, 2019 @ 6:35 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Binabantayan ang isang low pressure area (LPA) ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan na may layong 2,275 kilometers silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa Linggo o Lunes ay inaasahang papasok ang LPA sa bansa at malaki ang posibilidad na ito ay magiging isang ganap na bagyo.

Ang trough o extension ng nasabing LPA ay magpapaulan sa buong Mindanao at sa Eastern Visayas.

Babala naman ng PAGASA, ang malalakas na pag-ulang mararanasan ay maaring magdulot ng pagbaha at landslides.

Apektado naman ng Southwest Monsoon o habagat ang extreme northern Luzon.

Habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, localized thunderstorms lamang ang mararanasan. Remate News Team