LPA, shear line, Amihan magpapaulan sa ilang lugar

LPA, shear line, Amihan magpapaulan sa ilang lugar

February 20, 2023 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang low pressure area (LPA), shear line at Northeast Monsoon (Amihan) sa ilang lugar ngyaong Lunes, ayon sa PAGASA.

Makararanas sa Bicol Region, mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Northern Samar ng “cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms” dahil sa LPA at shear line.

Kaninang alas-3 ng madaling araw, namataan ang LPA 195 km north ng Legazpi City Albay o 210 km east ng Infanta, Quezon.

“Ang likeliness na magiging tropical cyclone ang LPA ay naging mataas… Hindi natin tinatanggal ang possibility na ito ay maging tropical depression o ganap na bagyo,” pahayag ni PAGASA weather specialist Veronica Torres.

Samantala, nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Northern Luzon.

Magiging maulap naman sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Norte na sasabayan ng ulan dahil sa monsoon.

Inaasahan sa Mindanao, natitirang bahagi ng Visayas, at Mimaropa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa LPA at localized thunderstorms.

Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, asahan ang “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dulot ng Amihan.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa buong bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:18 ng umga at lulubog mamayang alas-6:02 ng hapon. RNT/SA