LPA, shear line magpapaulan sa Visayas, Caraga, Davao

LPA, shear line magpapaulan sa Visayas, Caraga, Davao

December 7, 2021 @ 6:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at hilagang parte ng Quezon kabilang ang Polillo Islands sanhi ng northeast monsoon.

Tinatayang nasa 1,055 kilometro ang layo ng Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao, kasabay ang pagpapaulan ng shear line sa silangang bahagi ng Mindanao at ng northeast monsoon sa Luzon at Visayas, ayon sa ulat ng PAGASA.

Makararanas ang Eastern Visayas, Caraga at Davao Region ng maulap na kalangitan na may scattered rainshowers at thunderstorms dala ng LPA at shear line na may posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sakaling magkaroon ng moderate hanggang heavy rains.

Habang sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at hilagang parte naman ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, magiging maulap ang kalangitan na may bahagyang pag-ulan sanhi ng northeast monsoon.

Makararanas ang Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, at natitirang parte ng Visayas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na mayisolated light rains sanhi ng northeast monsoon with.

Sa natitirang bahagi ng Mindanao, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may isolated rainshowers sanhi ng localized thunderstorms at posibleng maranasan ang pagbaha at pagguho ng lupa sakaling tumindi ang pag-ulan.

Moderate hanggang strong naman ang hangin sa Luzon at Visayas na patungo sa direksyong hilagang silangan hanggang sa hilagang bahagi na may moderate hanggang rough coastal waters.

Makararanas naman ang silangang bahagi ng Mindanao ng moderate hanggang strong wind speed moving patungong hilagang kanluran habang moderate hanggang rough ang baybayin.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng Mindanao ang light hanggang moderate wind speed patungo sa hilaga hanggang hilagang kanlurang direksyon habang mananatiling slight hanggang moderate ang coastal waters.

Sumikat ang araw alas-6:09 ng umaga at inaasahan ang paglubog nito pagsapit ng alas-5:26 ng hapon. RNT/SA