LPA, tropical depression na-PAGASA

LPA, tropical depression na-PAGASA

July 16, 2018 @ 8:46 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines- Lumakas pa ang binabantayang low pressure area (LPA) na namataan sa hilagang bahagi ng Luzon at dineklara itong tropical depression, ayon sa PAGASA.

Namataan ng PAGASA ang TP na may local name na ‘Henry’ sa 670 kilometers silangan timogsilangan ng Basco, Batanes, alas-11 ng gabi nitong Linggo.

Dala nito ang hangin na nasa 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong 55 kph. 

Ayon sa PAGASA, gumagalaw ang TP Henry pakanluran timogkanluran sa bilis na 25kph.

Itinaas naman ang Signal no.1 sa Batanes, hilagang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands, hilagang bahagi ng Apayao at hilagang bahagi ng Ilocos Norte. 

Nagbabala ang PAGASA na magdudulot ng malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning.

Samantala, inaasahan naman magdudulot ang southwest monsoon, o Habagat ng pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, at kanlurang bagahi ng Visayas.

Makararanas rin ng panaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Marinduque, at Romblon. (Remate News Team)