LPA, tropical depression Obet na

LPA, tropical depression Obet na

October 19, 2022 @ 6:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naging isang ganap na bagyo na ang low pressure area na namataan sa silangan ng extreme Northern Luzon.

Ito ang sinabi ng PAGASA nitong Miyerkules, Oktubre 19 kung saan tatawagin itong “Obet”.

Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Obet sa layong 1,045 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Kumikilos naman ito sa direksyong north northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Sa lagay naman ng panahon, makakaapekto rin ang shear line sa nasabing lugar.

Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte at Apayao.

Kahalintulad din na lagay ng panahon ang mararanasan sa Eastern Visayas, Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa Southwesterly Surface Windflow.

“Obet is forecast gradually intensify by mid Friday as it tracks closer to Extreme Northern Luzon and may reach tropical storm category by late Friday or early Saturday. Further intensification is likely once Obet reaches the West Philippine Sea,” ayon sa PAGASA. RNT/JGC