LPA trough, Amihan magpapaulan sa bahagi ng bansa

LPA trough, Amihan magpapaulan sa bahagi ng bansa

January 23, 2023 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang trough ng isang low pressure area (LPA) sa east southeast ng Davao City at ang Northeast Monsoon (Amihan) sa bahagi ng bansa ngayong Lunes, base sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region will na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa trough o extension ng LPA.

Kaninang alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay tinatayang 495 km east southeast ng Davao City.

“Sa ngayon, maliit ang tsansa nito na maging bagyo,” ani PAGASA weather specialist Robert Badrina.

“Medyo maliit din ang tsansa na tumawid ito [sa ibang bahagi ng bansa]” dagdag niya.

Samantala, magpapaulan naman ang Northeast Monsoon sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, at Aurora.

Samantala, makararanas sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon on ng “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil din sa monsoon.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng Northern Luzon, natitirang bahagi ng Luzon at sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Samantala, magiging slight to moderate naman ang karagatan sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:50 ng hapon. RNT/SA