LPA trough, Amihan magpapaulan sa bansa

LPA trough, Amihan magpapaulan sa bansa

January 2, 2023 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang trough ng low pressure area at Northeast Monsoon (Amihan) sa bansa ngayong Lunes base sa PAGASA sa weather forecast nito.

Magiging maulap ang kalangitan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, at Davao Region na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA na nakaaapekto sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Asahan din sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region ang maulap na kalangitan at Northeast Monsoon na nakaaapekto sa Luzon.

Makararanas sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa trough ng LPA at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:21 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:39 ng hapon. RNT/SA