LPA trough, localized thunderstorms sabay magpapaulan sa bansa – PAGASA

LPA trough, localized thunderstorms sabay magpapaulan sa bansa – PAGASA

November 3, 2022 @ 6:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang trough ng low pressure area (LPA) ay localized thunderstorms sa bansa ngayong Huwebes, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa weather forecast, inihayag ng PAGASA na posibleng makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao, at Soccsksargen maging sa Bohol, Lanao del Sur, at Maguindanao.

Posibleng magdulot ang weather condition caused dahil sa trough ng LPA ng flash floods o landslides, babala ng PAGASA.

Inaasahan naman ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” sa Metro Manila at natititang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms, dagdag nito.

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslide sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa sakaling magkaroon ng severe thunderstorms.

Inaasahan ang moderate to strong winds at moderate to rough seas hanggang 4.0 meters sa Northern Luzon.

Samantala, light to moderate winds at slight to moderate seas hanggang 2.1 meters naman ang inaasahan sa Mindanao, Visayas, at natitirang bahagi nh Luzon.

Kaninang alas-3 ng madaling araw, ang LPA, dating Tropical Cyclone Queenie, at namataab 420 kilometers east ng General Santos City, base sa PAGASA. RNT/SA