LPA trough magpapaulan sa VisMin

LPA trough magpapaulan sa VisMin

February 17, 2023 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kaninang alas-3 ng madaling araw, tinatayang ang Low Pressure Area (LPA) ay nasa 765 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur sa patuloy na pag-iral ng northeast monsoon sa Luzon at Visayas, batay sa ulat ng PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, ar Bohol na sasabayan ng kalat na pag-ulan dulot ng trough ng LPA.

Magiging bahagyang maulap naman abg kalangitan sa natitirang bahagi ng Mindanao will na sasabayan ng isolated rains.

Makararanas naman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon ng “cloudy skies with rains” dahil sa northeast monsoon.

Inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to at times cloudy skies with light rains” dahil din sa northeast monsoon.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ay moderate to strong patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas naman sa northern section ng Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas ng moderate to strong wind speed patungong northeastward na may moderate to rough coastal waters.

Sa Mindanao, magkakaroon ng light to moderate wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:19 ng umaga, at lulubog mamayang alas-6:01 ng hapon. RNT/SA