LPA trough, shear line, amihan magpapaulan sa Pinas

LPA trough, shear line, amihan magpapaulan sa Pinas

January 21, 2023 @ 8:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang trough ng Low Pressure Area (LPA), shear line, at northeast monsoon o amihan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Bicol Region na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Makararanas din sa Caraga at Davao Region ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dulot naman ng trough ng LPA.

Inaasahan din sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro Provinces, Marinduque, at Romblon ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Sa Metro Manila, Ilocos Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON, magiging bahagyang maulap ang kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Magiging maulap sa natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon ay moderate to strong patungong northeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas din sa natitirang bahagi mh Luzon, Visayas, at eastern section ng Mindanao ng moderate to strong wind speed patungong northeastward na may moderate to rough coastal waters.

Sa Mindanao, inaasahan ang light to moderate wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga, at lulubog mamayang alas-5:49 ng hapon. RNT/SA