LPG, Auto LPG taas-presyo ngayong Biyernes

LPG, Auto LPG taas-presyo ngayong Biyernes

April 1, 2022 @ 8:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Magtataas ngayong Biyernes ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG), na sumasalamin sa paggalaw sa international market.

Sa isang abiso na ipinalabas ng Petron Corp. akyat-presyo ang LPG ng P3.25 kada kilo o P35.75 para sa standard 11-kilo cylinder at AutoLPG ng P1.81 kada litro.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of April,” paliwanag ni Petron.

Angnaturang pagbabago sa presyo ng cooking gas at AutoLPG ay kasunod ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis. RNT/SA