LPG Industry Regulation Act, aprub na ng bicam

LPG Industry Regulation Act, aprub na ng bicam

July 15, 2021 @ 7:20 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng panukalang magre-regulate sa liquefied petroleum gas (LPG) industry.

Ayon kay Senate Energy Committee chairman Sherwin Gatchalian, mabilis na naaprubahan nag panukalang LPG Indutry Regulation Act matapos na i-adopt ng mga senador ang mga ipinanukalang probisyon para sa multa ng House of Representatives.

Naging maayos din ang deliberasyon makaraang sumang-ayon ang mga kongresista sa mga saklaw na prohibited acts na tinukoy ng mga senador.

“With one unified LPG bill that will ultimately govern the entire LPG industry, we can now fill in the regulatory gaps that are being experienced by our industry players and strengthen the various regulations issued by the government. Most important of all, it will provide safety standards for the protection of the consumers by eliminating unsafe cylinders from circulation,” ani Gatchalian.

Tiwala naman si Gatchalian na matutuldukan nito ang mga maling gawain ng ilang negosyante tulad ng pandaraya sa timbang at importasyon ng mga second-hand cylinders o containers oras na maisabatas ang panukala.

Itinatakda rin ng pinal na bersyon ng panukala ang standards at responsibilidad ng LPG industry participants – importers, bulk suppliers, bulk distributors, hauler, refillers, trademark owners, marketers, dealers at retail outlets – sa pagsunod sa mga safety protocols.

“Considering the importance of LPG as a household energy source and keeping in mind its hazardous quality if left improperly regulated, it is certainly high time for this bill to finally become a law,” dagdag ng senador. RNT