LPG price hike nanaman!

LPG price hike nanaman!

December 1, 2022 @ 9:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tataas nanaman mga presyo ng produktong liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre, Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagkaroon ng taas-presyo. pagtaas.

Sa isang advisory, sinabi ng Petron Corp. na magtataas ito ng presyo ng mga produktong LPG ng P2.25 kada kilo, at AutoLPG ng P1.26 kada litro na epektibo 12:01 a.m., Huwebes, Disyembre 1.

Ang pinakahuling pagtaas ay sa presyo ng LPG ng P3.50 kada kilo at AutoLPG ng P1.96 kada litro noong Nobyembre.

Ang pinakahuling datos na makukuha mula sa Department of Energy (DOE) ay nagpapakita na ang retail prices ng 11-kilogram cylinder sa Metro Manila ay mula P786.95 hanggang P971.95 noong Oktubre. RNT