LPGA kinilala na si Saso bilang Japanese

LPGA kinilala na si Saso bilang Japanese

January 18, 2022 @ 2:18 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Kinilala na ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) si US Women’s Open champion Yuka Saso bilang isang Japanese citizen.

Sa inilabas ng LPGA sa kanilang website, bandila na nng Japan ang nakalagay ngayon sa tabi ng profile ni Saso.

Inaasahang babalik sa aksyon si Saso ngayong linggo kapag sumabak ito sa Hilton Grand Vacations Tournament of Champions sa Orlando, Florida.

Pinili ni Saso na maging isang Japanese citizen noong Nobyembre 2021.

Bago piniling maging isang Japanese citizen, nagsuot si Saso ng mga kulay ng Pilipinas sa 2018 Asian Games, sa 2021 US Women’s Open, at sa 2020 Tokyo Olympics.Rico Navarro