LPP nabahala sa pag-alis ng COVID-19 test sa mga biyahero

LPP nabahala sa pag-alis ng COVID-19 test sa mga biyahero

July 6, 2021 @ 11:34 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nag-aalinlangan ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa pag-alis ng COVID-19 test bilang requirement sa paglalakbay para sa mga bakunadong indibidwal.

“May agam-agam ang ating mga local chief executive lalo sa Liga ng mga Probinsya. Ang laki po ng agam-agam kung tatanggalin ‘yang pag-require ng RT-PCR test o antigen test prior to arrival,” ani LPP president Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa isang panayam ng Dobol B.

Sa ilalim ng IATF-EID Resolution No. 124-5, kailangan na lamang ipresenta ng mga biyahero ang vaccination card.

Giit ni Velasco na maaaring hindi makita ang mga asymptomatic kung sasailalim lamang sa health and exposure screening.

“Ang aming hinihiling sa IATF ay bigyan ng option ang LGU kung ire-require pa ring mag-submit ng certificate of PCR test or antigen test for arrival.” RNT/ELM