LQBTQ+ natuwa sa bagong rules ng 2022 World Cup

LQBTQ+ natuwa sa bagong rules ng 2022 World Cup

September 22, 2022 @ 1:56 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng mga organizers ng 2022 World Cup na hindi aarestuhin kung makita man ng mga otoridad ang same-sex sexual activities habang nasa Qatar.

Ayon sa English Football Association Chief Executive Mark Bullingham,  hindi huhulihin o parurusahan ang mga LGBTQ+ fans kung sila man ay magho-holding hands at magki-kiss sa publiko sa darating 2022 World Cup simula sa Nobyembre.

Matatandaang umiwas ang ibang LGBTQ+ fans sa preparasyon at sa mismong World Cup dahil wala umano silang kasiguruhan kung sila ay poprotektahan.

Ayon sa ulat, itinaas ng LGBTQ+ community ang kanilang concern kung safe ba sila sa mga same-sex sexual activity dahil mahigpit ang batas sa Qatar.JC