LRT-1 Cavite Extension project, ininspeksyon ng DOTr Sec.

LRT-1 Cavite Extension project, ininspeksyon ng DOTr Sec.

November 14, 2022 @ 7:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ininspeksyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang konstruksyon sa LRT-1 Cavite Extension project.

Sa kanyang kauna-unahang technical site, nagpakita naman ng “full support” ang LRT-1 private operator Light rail mqanila Corporation (LRMC).

Sa ngayon, naglalagay na ng riles sa viaduct at konstruksyon ng bagong stations at electromechanical works tulad ng paglalagay ng riles at instolasyon ng electrical system.

Humanga si Bautista sa katayuan ng proyekto at pinuri ang LRMC sa mabilis at mahusay na pag-usad ng konstruksyon.

Ang Phase 1 ng 11.7 km LRT-1 Cavite Extension ay nagrehistro ng 75.3% overall progress rate nitong Oktubre 2022.

Target na mabuksan ang unang limang istasyon nito mula Baclaran hanggang Paranaque sa 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden