LRT-1 naayos na… pero byahe nito, hanggang Vito Cruz Station pa lang

LRT-1 naayos na… pero byahe nito, hanggang Vito Cruz Station pa lang

July 21, 2018 @ 1:03 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Naisaayos na ng LRMC engineering team ang sirang kable sa LRT line 1 at inaasahang maibabalik na ang normal nitong operasyon sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon ay operational na ang biyaheng Roosevelt hanggang Vito Cruz Station.

Iginiit ng LRT na walang injury o damage ang naitala sa insidente at ligtas na nakababa ang mga pasahero sa malapit na istasyon.

Alas-8 ng umaga nang magkaaberya ang kanilang tren sa Libertad station dahil sa isang kableng nagkaproblema.

Nasa 100 ang mga pasaherong pinababa dahil dito. (Remate News Team)