LRT-1 signaling system, tapos na

LRT-1 signaling system, tapos na

February 2, 2022 @ 8:58 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Kumpleto na ang  pagpapaganda sa signaling system ng LRT-1, base sa anunsyo ng Light Rail Management Corporation nitong Martes.

Sa pamamagitan nito, sinabi ng LMRC, na asahan na ang mas mabilis at mas maaasahan na ang railway system sa LRT-1 gamit ang Alstom system.

Sinabi pa ng korporasyon na mas pinaganda na ngayon ang communication para i-monitor ang operasyon ng kanilang mga tren sa biyahe.

Para namam sa fourth generation train sets nito, target ng LRMC na masimulan ang  paggamit ng bagong signaling system sa kalagitnaan ng 2022.

“We have carefully planned these works to also improve the total traffic control system of LRT-1 while the operation was suspended on three (3) Sundays,” giit naman ni LRMC Chief Operating Officer Enrico Benipayo.

“We would like to thank our passengers for their understanding and patience as this initiative will surely result to a more modern and reliable system at LRT-1.” RNT